ni Tresia Siplante Traqueña
Sinisisid ng labi
Ang pinakailaliman
Ng bibig — pigil ang hininga.
Tinatawid ng dila
Ang lasa ng pagkalunod.
Talim ay sa laman
Ngunit walang nasusugatan.
Hindi makuha ng kapirasong balat
Ang kaluluwa.
At sabay silang aahon
Na parang walang nangyari.
Loading...