Quantcast
Channel: The Sunday Times Magazine – The Manila Times
Viewing all articles
Browse latest Browse all 3337

Rock Collection

$
0
0

Ginagalugad namin ang daang bagong-patag
Sa sityo Salvacion upang mangolekta ng mga bato.
Nakatiwangwang ang landas ng graba at alikabok
Habang sa tabi ng hinawang kakawati,
Tila nagmamanmang puntod ang nakatirik na buldoser.
Kinikilatis namin ang nahuhukay na mga specimen
Alinsunod sa mga kategorya ng teksbuk.
Ang mga ito’y minamarkahan, mga batong tinutubos
Mula sa limbo ng parang,
At pinagtitipon-tipon sa bitbit naming bakpak.
Sinasalat namin ang rabaw na silika o apog,
Ang bitak na quartz o luwad,
Samantalang inuunawa ang pinagmulan nilang
Mga proseso ng heolohikong dahas:
Iniuumpog sa mga pader
na tektoniko
ang metamorpikong slate at marmol;
Kinakaladkad at inililibing
ng sedimento
ang shale at konglomereyt;
Gumagapang habang tinutupok
ng asupre
ang kalauna’y granito at basalt.
Sa pag-uwi, nasa guni-guni namin ang bali-balitang
Sa liblib na pook na ito madalas matagpuan
ang agnas nang mga katawan
(Umano’y gapos ng alambre,
tadtad ng saksak,
o butas ang bungo),
Mga biktimang, ayon sa tanod, ay natutuklasan
Sa talahib at bayabasan
At sa maghapo’y mabilis na kinokolekta ng mga body bag
Ng pulis at punerarya.
Sa takipsilim, pakiramdam nami’y umaapaw
sa mga buto at bungo
Ang pasan naming bakpak.

The post Rock Collection appeared first on The Manila Times Online.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 3337

Trending Articles